Mga Pandiwa sa Pagsulat ng Ulo ng Balita (Headline)
Mga Pandiwa sa Pagsulat ng Ulo ng Balita (Headline) Tandaan: Ang mga pandiwa sa headline ay madalas nasa anyong pangkasalukuyan (present tense) o pawatas (infinitive) para sa mas malakas na dating. 1. Pagsisimula at Paglulunsad Inilunsad / Ikinasa - Pagsisimula ng isang proyekto, programa, o operasyon. Hal: Oplan Kontra Droga, ikinasa sa Davao Region Sinimulan / Pinasinayaan - Pormal na pagbubukas ng isang bagay tulad ng gusali o pagpupulong. Hal: Bagong city hall ng Mati, pinasinayaan na Binuksan - Pagsisimula ng isang event o pag-uusap. Hal: Palarong Pambansa 2025, pormal nang binuksan 2. Krimen at Pagpapatupad ng Batas Arestado / Timbog / Nasakote / Tiklo / Bagsak - Pagkahuli sa isang suspek. Hal: Most wanted ng Mati City, timbog sa Maynila Napatay / Pinaslang / Binaril - Tumutukoy sa krimen ng pagpatay. Hal: Negosyante, pinaslang sa harap ng kanyang bahay sa Bulacan Nasabat / Nakumpiska - Pagkuha ng mga ipinagbabawal na bagay. Hal: P10-M halaga ng pusl...