Lakers nalusutan ng Hornets

LOS ANGELES — Tinapos ng Charlotte Hornets ang seven-game home winning streak ng Lakers matapos ilusot ang 100-97 panalo sa pagbabalik ng aksyon ng NBA makaraan ang All-Star Weekend.

Umiskor si Miles Bridges ng 29 points habang may 27 markers si LaMelo Ball para sa ikalawang panalo ng Charlotte (14-39) sa huling 11 laro.

Nagdagdag si Nick Smith Jr. ng 12 markers at may tig-10 points sina Mark Williams at Seth Curry.

Hinugot ni LeBron James ang 16 sa kanyang 26 points sa fourth quarter para sa Los Angeles (32-21) at tumipa si Luka Doncic ng 14 points, 11 rebounds at 8 assists.

Nagsalpak si Smith ng isang three-point shot sa huling 48 segundo sa fourth period para sa 96-94 bentahe ng Hornets kasunod ang mintis na dalawang free throws ni Rui Hachimura para sa Lakers.

Isinalpak ni Ball ang isang finger-roll layup sa nala­labing 14.2 segundo para sa 98-94 abante ng Charlotte na sinundan ng triple ni James sa huling 6.8 segundo para sa 97-98 agwat ng Los Angeles.

Dalawang free throws ang ipinasok ni Ball para sa 100-97 kalamangan ng Hornets.

Minalas naman si James na maipasok ang dalawang 3-point attempts sa pagtunog ng final buzzer para sa Lakers.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Pandiwa sa Pagsulat ng Ulo ng Balita (Headline)

News Writing Tips by Aries Oliveros

Paano Sumulat ng Balita: Isang Kumpletong Gabay para sa mga Baguhang Mamamahayag